Hindi inaalis ng mga eksperto ang posibilidad na maging isang super typhoon si tropical storm Marce habang papalapit ito sa hilagang Luzon.
Dahil sa inaasahang hanging amihan, babagal ang takbo nito at pipihit patungong kanluran sa direksyon ng dulong hilagang Luzon.
Bago ang posibleng landfall maaari itong sumailalim sa tinatawag na rapid intensification o mabilisang paglakas.
Tinatayang umabot na sa typhoon category ang bagyo pagdating ng Miyerkoles taglay ang lakas ng hangin na 140 km bawat oras.
Dahil dito maaaring itaas sa signal no. 4 o no. 5 ang wind signal sa bahagi ng northern Luzon sa paglapit ng bagyo sa nasabing mga lugar.
Sa ngayon ay umaabot na sa 85 kph ang hanging dala nito at may pagbugsong umaabot sa 105 kph habang kumikilos pa west northwestward sa bilis na 30 kph.
Posible pang magbago ang mga pinapakita ng ilang weather models sa mga susunod na araw.
0 Comments