Advertisement

Bagyong Marce lumakas pa, pumasok na ng PAR bilang isang tropical storm

Lumakas pa at isa nang tropical storm ang dating tropical depression na nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Alas 2 ngayong umaga, November 4, 2024, pumasok na ito ng PAR at opisyal nang pinangalanang Marce ng PAGASA.

Sa pagpasok ni Marce, magsisimula nang maglabas ng Tropical Cyclone Bulletin ang PAGASA simula mamayang alas 5 ng umaga.

Inaasahang lalakas pa hanggang umabot sa typhoon category ang bagyo at kikilos patungo sa panglahatang direksyon ng dulong hilagang Luzon. 



Post a Comment

0 Comments