Nagkakaroon na ng rapid intensification o mabilisang paglakas ang bagyong Marce at isa na ngayong severe tropical storm ayon sa PAGASA.
Taglay ngayon ni Marce ang lakas ng hangin na 100 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 125 kph habang kumikilos sa direksyon ng northwestward sa bilis na 35 kph.
Huling namataan ang sentro ni Marce sa layong 715 km silangan ng Daet, Camarines Norte (14.5°N, 129.6°E).
Inaasahang babagal ang kilos ni Marce pagdating silangan ng northern Luzon, kikilos pakanluran at maglalandfall sa Babuyan Island o hilagang bahagi ng mainland Cagayan sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng madaling araw.
Subalit dahil sa high pressure area sa hilaga, posible din itong tumama sa mainland Cagayan-Isabela area.
Patuloy itong lalakas at aabot sa typhoon category bukas ng gabi o Miyerkoles ng madaling araw.
Signal No. 1 sa sumusunod na lugar:
- Batanes
- mga bayan ng Camalaniugan, Lal-Lo, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria, Gattaran, Peñablanca, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Alcala, Amulung, Iguig sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- mga bayan ng Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, Dinapigue), the northern portion of Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan, Flora, Pudtol sa Isabela
- mga bayan ng Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar sa Ilocos Norte
0 Comments