Wag Kang Torpe, Bro!

Nasa baba ang link sa video

Lahat tayo dumaan sa stage na parang ang hirap magsalita, lalo na kung crush mo 'yung kausap mo. 'Yung tipong gusto mong kumustahin siya, pero nauuna 'yung kaba kesa sa boses mo. Normal 'yan, bro. Pero hindi ibig sabihin na habambuhay eh magtatago ka sa likod ng “nahihiya ako.”

Rejection? Oo, masakit. Pero hindi 'yan nakakamatay. Think of it this way—every time na nagtatry ka, mas lumalakas ka. Parang workout lang 'yan. The more you push yourself, the stronger you get. Hindi mo man makuha 'yung “yes” sa unang try, at least alam mong may ginawa ka. At alam mo kung anong mas masakit? 'Yung “what if.”

Hindi lang ito tungkol sa love life, bro. Maging sa school, orgs, o sa pangarap mo—wag mong hayaan na ‘hiya’ ang humadlang. Confidence isn’t about being the loudest, it’s about being sure of who you are. So next time na matakot kang magsalita o sumubok, tandaan mo lang: mas may panalo ang taong sumubok kesa sa hindi.

Tara, i-break na natin 'yang torpe mode. You got this! 💪

Panoorin ang video

No comments: