Ano ang Easterlies at bakit ito nagpapaulan sa gitna ng tag-init?
Mapapansin niyo ba lately, kahit hindi naman sobrang taas ng temperature sa weather report , parang oven na sa loob ng bahay? At kapag lumabas ka, ilang minuto lang, hulas na ang make-up o basang-basa na ng pawis ang damit mo? Ang salarin: Easterlies. Para hindi tayo laging nagtatanong kung bakit "ang banas" o sobrang lagkit, himayin natin kung ano ang ibig sabihin ng weather disturbance na ito. 1. Ang Definition : Ano ang Easterlies? Simple lang ang konsepto nito. Ang Easterlies ay ang hangin mula sa Pasipiko. Imagine-nin niyo ang Pacific Ocean sa kanan ng Pilipinas. Dahil mainit ang dagat doon, ang hanging nanggagaling doon ay mainit at basang hangin. Bakit ito tinawag na "Ang Maalinsangang Hangin"? Dahil "basa" o mayaman sa moisture ang hangin, pinapataas nito ang tinatawag nating humidity o halumigmig . Tip: Kapag mataas ang humidity , nahihirapan ang pawis natin na matuyo sa balat. Ito ang dahilan kung bakit pakiramdam natin ay sobrang lagkit...