As of 9PM November 3, 2024, narito ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa papasok na bagyo:
- Isa itong Tropical Depression na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR)
- Papasok ito ng PAR bukas, November 4
- Papangalanan itong #MarcePH kapag nasa loob na ng PAR
- Lalakas ito at magiging isang tropical storm sa loob ng 12 oras
- Lalo pa itong lalakas hanggang umabot sa typhoon category sa Miyerkoles, November 6.
- Mataas pa ang 'uncertainty' sa tatahakin nito lalo na sa ika-4 at ika-5 araw.
- Dalawang scenario ang tinitingnan ng mga eksperto: (1) gagalaw ito westward at tutumbukin ang hilagang Luzon (2) Magiging 'erratic' ang kilos habang nasa Philippine Sea
- Malaking factor ang high pressure area sa bandang hilaga ng bansa sa magiging galaw ng bagyo
- Palalakasin nito ang Northeasterly Wind Flow na magpapaulan sa dulong hilagang Luzon at maging sa silangan ng mainland Luzon simula bukas.
Pinapayuhan ang lahat na magmonitor sa anumang development tungkol sa sama ng panahon na ito.
0 Comments