Isang panibagong bagyo o tropical depression ang nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Bandang 3:00 p.m. ngayong Nobyembre 3, 2024 ito ay namataan sa layong 1,350 km silangan ng Eastern Visayas, na may lakas ng hangin na 55 km/h at bugso na umaabot sa 70 km/h. Kumilos naman pa Northwestward sa bilis na 30 km/h.
Inaasahang papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hatinggabi o bukas ng madaling araw Lunes (Nobyembre 4), at tatawagin itong #MarcePH.
Batay sa projection, ito ay kikilos pa-northwest patungo sa Northern Luzon o maaaring mag-recurve sa silangan ng extreme Northern Luzon pagsapit ng weekend, pero hindi parin inaalis ang posibilidad na mag-landfall ito sa Northern Luzon.
Ang nasabing weather disturbance na ito patuloy parin itong mino-monitor dahil maaaring magbago pa ang mga ipinakitang forecast kaya manatiling nakatutok sa susunod na update.
0 Comments