Advertisement

MARCE lalo pang lumakas, Signal No. 3 itinaas na ng PAGASA

Lalo pang lumakas ang bagyong MARCE at patuloy pa itong lalakas bago maglandfall sa dulong hilagang Luzon bukas o Biyernes.

Alas 10 ngayong umaga, November 6, 2024, ang sentro ni MARCE ay nasa layong 305 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan (18.1°N, 124.6°E) taglay ang lakas ng hangin na 150 kph at gustiness o pagbugsong umaabot sa 185 kph.

Kumikilos pa rin ito ng west northwestwardvna bumagal sa 10 km/hr at nagbabantang maglandfall sa Babuyan Islands o hilagang bahagi ng Cagayan, Ilocos Norte, at Apayaon bukas ng gabi o Biyernes ng madaling araw.

Signal No. 3 sa 

  • Santa Ana, Cagayan

Signal No. 2 sa sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Babuyan Islands
  • mga bayan ng Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Baggao, Lasam, Abulug, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Rizal, Santo Niño, Alcala, Amulung sa Cagayan
  • mga bayan ng Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela, Flora, Kabugao sa Apayao

Signal No. 1 sa sumusunod na lugar:

  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Abra
  • nalalabing bahagi ng Apayao
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • mga bayan ng Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Bokod, Atok sa Benguet
  • nalalabing bahagi ng Cagayan
  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • mga bayan ng Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler sa Aurora


Post a Comment

0 Comments