Lalo pang lumalakas ang bagyong MARCE habang lumalapit sa hilagang Luzon.
Taglay na nito ang hanging nasa 140 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 170 kph.
Alas 10 ngayong gabi, November 5, 2024, ang sentro ni MARCE ay nasa layong 395 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan (17.5°N, 125.5°E) at patuloy na kumikilos ng West northwestward sa bilis 15 km/h.
Si MARCE ay inaasahang magtutuloy tuloy sa kasalukuyang direksyon hanggang bukas.
Pakatapos ay babagal ang kilos nito habang patuloy na nag-iipon ng lakas bago lumiko patungong kanluran kung saan maaaring maglandfall sa Babuyan Islands of sa hilagang bahagi ng Cagayan sa Huwebes.
Signal no. 4 ang posibleng pinakamataas na Wind Signal ang maaaring itaas ng PAGASA sa mga apektadong lugar para kay MARCE.
Signal No. 2 sa sumusunod na lugar:
- mga bayan ng Santa Ana, Gonzaga sa Cagayan
Signal No. 1 sa sumusunod na lugar
- Batanes
- nalalabing bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- mga bayan ng Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Atok, Bokod sa Benguet
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Quirino
- mga bayan ng Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora sa Aurora
0 Comments