Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA, si NIKA ay isang Severe Tropical Storm pero inaasahang lalakas pa at aabutin ni NIKA ang typhoon category.
Posibleng umabot ang lakas ng taglay na hangin sa 130 kph bago tumama sa lupa.
Si NIKA ay inaasahang patuloy na tatahakin ang west northwestward na direksyon hanggang maglandfall sa Isabela o hilagang Aurora bukas ng umaga o tanghali (November 11) bilang isang typhoon.
Posibleng umabot sa Wind Signal No. 4 ang itaas sa landfall area at mga lugar malapit dito.
Ayon sa PAGASA, mahalagang tandaan na hindi lamang sa landfall area mataas ang panganib sa lupa at mga baybayin kundi sa buong lugar na sakop ng hangin at kaulapang dala ng bagyo.
Pakatapos maglandfall ay tatawirin ni NIKA ang kalupaan ng hilagang Luzon habang bahagyang humihina hanggang sa makarating sa West Philippine Sea bukas ng gabi.
Pagdating sa West Philippine Sea ay maaari itong mag-ipon muli ng lakas habang binabaybay ang karagatan at makalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Martes ng hapon (November 12).
Bukas ng hapon (November 11) hanggang Martes ng hapon (November 12), matindi ang mga pag-ulan kaya't posible ang mga pagbaha at landslides sa mga lalawigan ng Aurora, Isabela, Kalinga, Apayao, at Cagayan. Malalakas din ang pag-ulan sa Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Ilocos Sur, Abra, at Ilocos Norte.
0 Comments