Isa nang ganap na tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao sa labas ng LPA ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).
Alas 10 ngayong umaga, November 3, 2024 naglabas ng alerto ng PAGASA at nasa HIGH o mataas ang posibilidad na maging bagyo ang nasabing LPA mula sa UNLIKELY kaninang alas 2 ng madaling araw.
Sa inilabas na Tropical Cyclone - Threat Potential ngayong alas 9 ng umaga, sinabi ng PAGASA na 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗬𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗠𝗔𝗜𝗡. 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗗𝗜𝗧𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗖 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗣𝗢𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗖𝗔𝗦𝗧 𝗣𝗘𝗥𝗜𝗢𝗗.
Ayon din sa nasabing forecast, Marce ang magiging pangalan ng bagong bagyo sa pagpasok nito sa PAR at posibleng hilagang Luzon ang tumbukin nito.
Naglabas na rin ng Tropical Cyclone Formation Alert para sa parehong LPA ang Joint Typhoon Warning Center (JTWC).
Ang JTWC ay isang international weather agency ng America na nakabase sa Pearl Harbor sa Hawaii.
0 Comments