May isa o dalawang bagyo ang maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Nobyembre ayon kay PAGASA Weather Specialist Benison Estareja.
Kung sakaling pumasok ang mga ito sa PAR, tatawagin ang mga ito sa lokal na mga pangalan bilang Marce at Nika.
Sa nalalabing dalawang buwan ngayong 2024, mas mababa sa normal ang bilang ng mga bagyong pumasok sa PAR kumpara noong mga nakaraang taon.
Sa tala ng PAGASA, 12 na bagyo pa lamang ang pumasok sa PAR para sa taong 2024.
Sa mga nakalipas na taon, karaniwang nakakapagtala ang PAGASA ng 20 o higit pang mga bagyong pumapasok o nabubuo sa loob ng PAR taun-taon.
Sa 12 na pumasok sa PAR, apat ang naglandfall sa kabilang sina Aghon (Ewiniar), Enteng (Yagi), Gener (Soulik), at Kristine (Trami).
Si super typhoon Leon (Kong-rey), na huling pumasok ng PAR ay hindi naglandfall bagama't dumaan napakalapit sa Batanes.
0 Comments