Advertisement

November 4, 2024 dineklarang National Day of Mourning pasa sa mga biktima ni STS Kristine

Dineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang November 4, 2024, Lunes, bilang National Day of Mourning para sa mga naging biktima ng Severe Tropical Storm Kristine.

Sa Proclamation 728 hinihimok ang buong bansa na mag-alay ng panalangin para sa mga naging biktima ni STS Kristine. Iniutos din sa nasabing proklamasyon ang paglalagay sa mga bandila ng Pilipinas sa half-mast sa lahat ng mga gusali ng pamahalaan sa buong bansa maging sa mga pasilidad ng pamahalaan ng Pilipinas sa ibang bansa.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo ay naapektuhan ni STS Kristine ang halos buong Luzon kung saan marami sa mga lugar lalo na sa Bikol at Timog Luzon ang nalubog sa baha.

Sa tala ng NDRRMC ngayong November 2, 2024 ay umabot sa 150 ang bilang ng kumpirmadong patay dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Basahin sa baba ang nilalaman ng Proclamation 728.




Post a Comment

0 Comments