Higit 100 patay, bilyon bilyong halaga ng pinsala iniwan ni Kristine

Umakyat na sa mahigit isandaang katao ang bilang ng mga indibidwal na iniulat na nasawi sa gitna ng pinsalang dulot ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami) , ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.

Sa pinakabagong situational report ng NDRRMC na inilabas nitong umaga ng Oktubre 28, 2024, mula sa 116 na naiulat na nasawi, 10 ang nakumpirma na, habang ang natitirang bilang ay sumasailalim pa sa beripikasyon.


Ayon din sa ulat, may tatlumpu't siyam (39) na indibidwal ang nawawala at 109 ang nasugatan.

Umabot na rin sa  6.7 milyong katao o 1.6 milyong pamilya sa 10,147 barangay sa buong bansa ang apektado ng bagyo.

Sa mga ito, 980,355 na indibidwal ang nawalan ng tirahan at kinailangang manatili sa 6,286 evacuation centers.

Sa tala ng ahensya nasa P2.5 bilyong piso ang pinsala sa sektor ng agrikultura samantalang P1.5 bilyon naman ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.

No comments: